Happy Teachers’ Day

Tingnan: Teachers’ Day sa Bauan

Tagumpay at puno ng kasiyahan ang Teachers’ Day celebration na ginanap noong Okt 6, 2023 sa Herminigildo Jasa Dolor Coliseum, Brgy. Manghinao Proper. Ito ay pinangunahan nina PSDS Ma’am Aurelia Aguila at Dra. Andrea Hernandez, kasama ang mga principals at faculties mula sa East at West Districts ng bayan ng Bauan.

Dumalo sa okasyon at nagbigay suporta sina Mayor Ryanh Dolor at kanyang maybahay Mayora Wendah, Vice Mayor Ronald Cruzat at mga SB Members sa pangunguna ni Hon. Leon Ramos Jr. (Chairperson- SB Committee on Education), BM Wilson Rivera at former Cong. Raneo Abu.

Naging lubos ang katuwaan ng bawat isang guro dahil sa mga papremyo mula sa raffle draw na inilaan para sa kanila. Ngunit higit pa dito ay ang kasayahan na kanilang natanggap bilang pagkilala at pasasalamat sa kanilang commitment at dedication para sa patuloy na pag-unlad ng edukasyon. Gayundin ang kanilang mahalagang partisipasyon bilang pangalawang magulang na gumagabay sa bawat isang mag-aaral upang maging mga mabuting mamamayan.

Marami salamat po mga minamahal naming mga guro! Mabuhay po kayo!

“Teachers indeed are the HEROES of the modern world.”

#HappyTeachersDay

#WeAreOneInBauan

You may also like...