Grand Christmas Lighting Ceremony
Dayo na dine sa Bauan, Mag-enjoy sa Krismas Pailaw
Engrandeng synchronized Christmas Decor Lighting Ceremony ang naganap kahapon, Okt 12, 2023 sa Bauan Plaza Orense na inihanda ng mga elected officials at kawani ng LGU.
Sapagkat ninais ng ating butihing Mayor Ryanh Dolor na lalo pang maging festive, bright at colorful ang Pasko sa Bauan kung kaya naman hindi lamang Plaza Orense ang naging sentro ng mga nagliliwanag na pailaw, maging ang Municipal Hall ay ginayakan din ng iba’t ibang Christmas decor kasabay ang mga street lanterns sa Poblacion at tulay ng Manghinao.
Pagdating ng countdown nagliwanag ang Bauan sa makukulay, magarbo at nagkikislapang mga palamuti at ilaw. Lalo pang ramdam ang Christmas Spirit habang sinasaliwan ito ng awit mula sa STC Cherubim.
Excited ang lahat dahil hindi lang Christmas lights ang nagliwanag, kasabay nito ay ang kislap mula sa phone camera ng mga taong nag-abang at nag-unahan para makakuha ng pictures at videos upang maibida kaagad sa kanilang social media accounts.
Dama sa kapaligiran ang kasiyahan ng okasyon na dulot ng mga dekorasyon at pailaw. Para ba gang ang mga ito ay nagsisilbing “liwanag ng pag-asa†na sa kabila ng mahirap na panahon ay mayroong mga pisikal na bagay na “nagpapasaya sa mata at nagpapagaan ng damdamin ng bawat isaâ€.
Sa Pilipinas pagdating ng unang buwan ng mga “ber months†ay pinaghahandaan na ang pagdating ng Kapaskuhan. Syempre hindi nagpahuli ang bayan ng Bauan! Dahil karangalan sa ating mga namumuno ang makapagbigay ng kasiyahan sa mga taong kanilang pinaglilingkuran.