Senior Citizens’ Month
Nagdiwang ng Senior Citizens’ Month ang bayan ng Bauan noong Okt. 18, 2023 na ginanap sa Hon. Herminigildo Jasa Dolor Coliseum.
Tagumpay at puno ng kasayahan ang nasabing selebrasyon para sa mga nakatatandang Bauangueño dahil sa programang inihanda sa kanilang natatanging araw. Isa dito ay ang “Seniors Got Talent†kung saan ipinakita ng bawat contestants ang kanilang ipinagmamalaking talento sa larangan ng pagkanta at pagsayaw. Naging highlights naman ang iba’t ibang Pilipinong tradisyon sa kanilang Cultural Musical Show. Dito ay buong husay nilang ipinagmalaki ang ilan sa likas na yamang kultura tulad ng bayanihan spirit, paghaharana, pagbasa ng pasyon, Santakruzan at ang sariling atin, ang Sublian.
Dumalo sa nasabing okasyon sina Mayor Ryanh Dolor at kanyang maybahay Mayora Wendah; Vice Mayor Ronald Cruzat at mga SB Members sa pangunguna ni Kgg. Josephine Gimeno, ang Chairperson ng SB Committee on Senior Citizens Affairs; BM Wilson Rivera; representative ni BM Arlene Magboo; at dating Cong. Raneo Abu. Mula sa mga nabanggit na personalidad ay mga papremyong cash at bigas para sa raffle draw.
Naging tampok sa araw na ito ang pamamahagi ng Senior Cash Incentives sa mga dumalong senior citizens na 85 years old pataas. Ito ay sa mandato ng Municipal Ordinance No. 21-10-0284 na kilala bilang Bauangueño Centenarian Ordinance, “AN ORDINANCE HONORING THE BONAFIDE CENTENARIANS AND SENIOR CITIZENS AGES 85 AND ABOVE BY GRANTING CASH GIFT BENEFITS TO EVERY QUALIFIED BAUANGEÑO OF THE MUNICIPALITY OF BAUAN SUBJECT TO AVAILABILITY OF FUNDSâ€. Noong nagdaang araw ay pinuntahan at dinalaw ni Mayor Dolor at personal na ibinigay ang mga cash incentives sa ating mga senior beneficiaries na dahil sa katandaan o kaya naman ay karamdaman at walang sapat na kakayahan na maglakad at may mga mobility problems. Ipagpapatuloy muli sa susunod na mga araw ang pamamahagi ng SCI.
Lahat ng dumalo sa programa ay pinagkalooban din ng tig Limandaang Piso. Upang mabigyang pagkakataon ang iba pang seniors para makadalo at makibahagi sa taunang pagdiriwang, sa sunod na taon ay ibang batch naman ng mga seniors ang pipiliin mula sa kanilang mga barangay.
Napakarami din na libreng serbisyo ang inilaan para sa kanila tulad medical, dental, eye check up, FBS/RBS at anti-pneumonia vaccines mula sa mga sponsors na kinabilangan ng Bauan Medical Society, Shalom Laboratory, IPAO, Dental Association, PHO, PCSM Trading, Pharma South Enterprises at Anakalusugan. Ang breakfast feeding program (lugaw at bonete) ay donasyon ng Rotary Club of Bauan at Lions Centennial Club of Bauan na naglaan din ng “Bigay Pahiram Program†na mga wheelchairs. Lahat ng mga dumalo ay nabusog mula sa food and refreshments sponsorship ng Jollibee-Manghinao, KFC, Greenwhich, Mang Inasal, McDonald’s, Chowking, Domino’s Pizza at EEI Design & Construction. Samantalang ang grocery items, bottles of water at monetary donation naman ay mula sa Citimart, Robinson EasyMart, MHPS, 7-11 (F. Mangobos/Pob. II), Dali, San Miguel-MG8, San Miguel Corp., at EEI. Lubos ang naging pasasalamat ng LGU Bauan lalo’t higit ng mga senior citizen sa lahat ng sponsors at donors na nagbigay ng kanilang mahalagang tulong para sa selebrasyon.
Ang pagdiriwang ay mula sa inisyatibo ng OSCA sa pangunguna ni G. Quirino Caringal sa pakikipagkaisa ng lahat ng Senior Citizen Barangay Presidents at gayundin sa napakahalagang pag-alalay mula sa mga offices ng lokal na pamahalaan ng Bauan.
Ang Senior Citizens’ Month Celebration ay inilaan para sa pagpupugay at pagbibigay ng pagkilala sa ating mga minamahal na nakatatandang mga kababayan para sa kanilang “invaluable legacy to the communityâ€.
Marami pong salamat mga Lolo at Lola! Mabuhay po kayo!