Sublian Festival

VIVA! Mahal na Poong Sta. Krus

Tampok ang magkapatid na Mahal na Poong Sta. Krus ng Bauan at Alitagtag, maluwalhating naipagdiwang ang taunang Salubong at Sublian sa bayan ng Bauan.

Mula sa pagtatagpo ng magkapatid na Poon patungo sa Binukalan Shrine sa bayan ng Alitagtag kung saan nagkaroon ng isang banal na misa, dama ang paniniwala at pananampalataya ng mga deboto.

Matapos ang selebrasyon sa Alitagtag ay muling sinundo ang magkapatid na Poon para sa gaganaping Sublian sa Bauan. Mula sa boundary ng Alitagtag at Bauan ay matyagang naghihintay at nakaabang ang mga deboto sa kalsada para sa parada, hawak ang mga sinding kandila at naghahagis ng mga bulaklak sa pagdaan ng mga Poon.

Pagsapit sa tulay ng Manghinao Proper nagkaroon ng parangal na luwa at pagsasayaw ng Subli mula sa iba’t ibang grupo na kinabibilangan ng mga mag-aaral at guro, kawani ng LGU, at ilang organisasyon hanggang sa makarating sa patio ng Immaculate Conception Parish Church. Muli ay nagkaroon ng isang banal na misa konselebrada para sa magkapatid na Poon sa loob ng simbahan habang patuloy naman ang pagsasayaw ng Subli.

Isang malaking tagumpay ang naganap na Sublian sa Bauan sa dami ng mga nakilahok at sumaksi sa selebrasyon.

Bauan Municipal Tourism

#SublianFestival2023

#BauanFiestaCelebration

You may also like...