MWCC Livelihood Assistance MWCC

Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso, isang livelihood assistance program ang inilaan ng Municipal Women’s Coordinating Council (MWCC) sa ilang kababaihan mula sa bayan ng Bauan.

Ngayong araw, Marso 27, nagkaroon ng pagtitipon ang nasabing Council sa pangunguna ni dating SB Member Kgg. Wendah Katrina Dolor, Chairperson ng MWCC. Dumalo sa nasabing pagtitipon si Mayor Ryanh Dolor na nagpahayag ng kanyang suporta para sa hanay ng kababaihan at gayundin sa naturang proyekto.

Bilang livelihood assistance, namahagi ang Council ng halagang Limang Libong Piso bawat isa sa may dalawampu’t lima (25) miyembro ng KALIPI. Ang Kalipunan ng Liping Pilipina o KALIPI ay samahan ng mga kababaihan na ang mga miyembro ay nagmula sa 40 barangay ng ating bayan.

Ang programa ay tulong para sa dagdag na puhunan o kaya naman ay panimula sa maliit na negosyo ng mga napiling miyembro.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng bawat beneficiaries sa tulong na kanilang natanggap.

#WeAreOneInBauan💚

You may also like...