Blessing of Hon. Johnnell M. Abante Bldg. (Bauan Public Market)

Isinagawa ang blessing ng HON. JOHNNELL M. ABANTE BUILDING sa Bauan Public Market (BPM) noong ika-4 ng Setyembre 2024.

Dumalo sa okasyon sina Mayor Ryanh Dolor, Vice Mayor Ronald Evangelista Cruzat, SB Members, mga kawani ng LGU sa pangunguna ni Rhoda Dimalibot -OIC BPM, mga manininda at officers ng Vendors Association, at pamilya ni dating Konsehal Johnnell Abante.

Sa suhestyon ni Mayor Dolor na sinang-ayunan ng buong Sangguniang Bayan, ang nasabing building ay ipinangalan sa namayapang konsehal ng bayan bilang pag-alala sa kanyang legasiya at mahusay na paglilingkod. Si Kgg. Abante ay tumatayong Chairperson ng Committee on Market, Slaughterhouse and Economic Enterprise noong kanyang termino.

Ang gusali ay mayroong 3 palapag kung saan nakapwesto sa ground floor ang stalls para sa grocery, coffee, bread & candy at cellphone load & repair. Sa second floor naman matatagpuan ang BPM Office gayundin ang jewelry, cloth, footwear at tailoring sections. Samantala ang rooftop ay nakaplano na gawing basketball court at multi-purpose hall.

You may also like...