Ceremonial Signing of MOU on the Declaration of SIPS
“Napakaganda ng inyong direksyon na tinatahak. Hindi ba dapat nating panindigan na nararapat lamang nating ideklara na ang bayan ng Bauan ay isa sa maunlad at isa sa matatag na bayan sa usapin ng kapayapaan at seguridad”.
Ito ang naging pahayag ni Dir. Allan Benitez, DILG Batangas Provincial Director, sa katatapos na Ceremonial Signing of Memorandum of Understanding (MOU) on the Declaration of Stable Internal Peace and Security (SIPS), noong Miyerkoles, ika-4 ng Setyembre 2024 sa bayan ng Bauan.
Ang isinagawang MOU sa pagitan ng LGU Bauan, at mga ahensya ng Philippine Army (PA), Batangas Police Provincial Office at DILG Batangas Provincial Office ay bumabalangkas sa usaping pangseguridad at pangkapayaan ng buong bayan. Sa kabuuan, nakasaad sa memorandum ang pagtutulungan at kooperasyon ng bayan ng Bauan at mga ahensya sa lahat ng operasyon, aktibidad at iba pang mga gawain para sa patuloy na tagumpay ng mga simulain at layunin ng SIPS. Ang Bauan ay isa sa naunang 5 bayan sa lalawigan ng Batangas na nagkaroon ng deklarasyon.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Mayor Ryanh Dolor na simula pa lamang ay wala siyang ibang hangad kundi ang isang ligtas at tahimik na pamayanan. Ayon sa kanya mapapanatili ang katahimikan, kapayapaan at kaayusan ng bayan kung gagawin ang profiling ng mga tao sa bawat barangay. “Hindi po masama yan dahil ang prinoproteksyunan lang po natin ay ang ating mga kababayan”, dagdag pa ng alkalde.
Samantala sa paglalahad ni LTC Ferdinand Tokong, Commanding Officer ng 59th Infantry Battalion, 2nd Infantry Div., PA, na habang ang Bauan ay nakuha na ang pinakamataas na SECURITY CLASSIFICATION ng SIPS marami pa umanong bayan sa Batangas ang hindi pa nakukuha ang ganitong status. Kung kaya naman sa kanyang mungkahi ay hinikayat niya ang lahat na magtulungan upang patuloy na protektahan ang bayan ng sa ganon ay hindi ito mapasok ang masasamang elemento.
Nagpahayag din ng kanilang suporta sa okasyon ang mga saksi mula sa LGU Bauan na kinabibilangan ni Vice Mayor Ronald Evangelista Cruzat kasama ang buong Sangguniang Bayan members at department heads, pangulo ng bawat barangay, at mga panauhin mula sa PA, PNP at BFP.