Operation Libreng Tuli 2024

May 300 na kabataang lalaki na may edad 11 pataas ang nabigyan ng libreng serbisyo sa proyektong “Operation Tuli Handog ng bayan ng Bauan” na ginanap kahapon, ika-27 ng Hunyo, 2024 sa HJD Coliseum.

Sa direktiba ni Mayor Ryanh Dolor kasama si Vice Mayor Ronald Evangelista Cruzat at Sanggunian Bayan members, ipinagpatuloy ang nasabing proyekto na pansamantalang nahinto noong panahon ng pandemya at sinimulan muli noong 2023.

Ang proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Wiston Ilagan, Dra. Doris Bondoc, Dra. Louvelle Floro at mga staff mula sa dalawang (2) Rural Health Units ng bayang ito. Bilang isang registered nurse ay minarapat ni Vice Mayor Cruzat na sumali at makapag-ambag ng kanyang kasanayang-medikal.

Naging katuwang din ang ilang personalidad na kinabilangan nina Dra. Reina D. Abu-Reyes, Dr. Ramir Beloso (MHO, Mabini) – President Association of Medical Health Officers of the Philippines, mga medical personnel mula sa Bauan General Hospital, San Antonio Life Care Hospital, Bauan Doctors General Hospital at Bauan Medical Society, at gayundin ang mga barangay officials and functionaries mula sa 40 barangay ng bayang ito.

Muli ay naging tagumpay ang proyektong pangkalusugan ng ating LGU sa tulong ng mga volunteers at mga kawani na gumanap ng kanilang mahalagang tungkulin.

#WeAreOneInBauan

You may also like...