Business Permit Payment Extension

Malugod po naming ipinababatid sa lahat ng may negosyo o business sa Bayan ng Bauan na ang BUSINESS PERMIT PAYMENT ay extended hanggang January 31, 2022 at WALANG KAUKULANG PENALTY.

Mula sa mungkahi ni MAYOR RYANH M. DOLOR, sa pamamagitan ng Sangguniang Bayan, ang Resolution No. 22-01-2381 ay isinulong at naaprubahan ang “extension of deadline for payment of business taxes, licenses and charges”.

Ito ay bilang pagbibigay daan sa mga requests ng marami nating mga kababayan at business owners na mabigyan sila ng sapat na panahon para sa pagbabayad ng kanilang permit. Isa rin ito sa mga paraan upang malimitahan ang pagdagsa ng maraming tao na pumupunta kada araw sa ating Bahay Pamahalaan para sa iba’t ibang transactions.

You may also like...