Earth day Clean up 2024

Malawakang paglilinis ng 40 barangay sa bayan ng Bauan

Mula sa direktiba ni Mayor Ryanh Dolor sa pamamagitan ng Bauan MENRO kaagad na nagsagawa ng paglilinis ang bawat barangay sa kanilang mga lugar na nasasakupan. Kabilang dito ang mga ilog, kanal at estero kung saan madaming mga basura tulad ng plastik at iba pang non-biodegradable wastes ang nakuha mula dito.

Ang nasabing aktibidad ay naganap noong Abril 20 at 21, 2024 para sa taunang pagdiriwang ng Earth Day na may temang, “Planet vs Plastics”. Naglalayon ito na magkaroon ng awareness o kaalaman ang publiko para sa masamang epekto ng plastic pollution sa kalusugan ng tao, kapaligiran at sa ating kalikasan.

#WeAreOneInBauan

You may also like...