Barangay Clean-up Activity (World Earth Day)

Kaisa ang bayan ng Bauan sa pagdiriwang ng World Earth Day.

Kaugnay dito, isang cleanup activity ang isinagawa kahapon, Abril 22, 2023, sa ating mga nasasakupang barangay.

Ang World Earth Day ay isang araw sa buong mundo na may layuning magbigay ng importansya sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagbibigay proteksyon at pangangalaga dito. Makikita ito sa iba’t ibang gawain tulad halimbawa ng clean up at tree planting, paglimita sa paggamit ng mga plastik o pag practice ng Rs (Reuse Reduce and Recycle). Ilan lamang ito sa mga environment friendly activities na pwede nating i-contribute para sa kapakanan ng ating kalikasan.

#WeAreOneInBauan☝🏻

You may also like...