JOB FAIR 2024

Tagumpay ang ginanap na Job Fair sa Bayan ng Bauan kahapon, Abril 30, 2024 sa HJD Coliseum, Brgy. Manghinao Proper.

Ang nasabing recruitment activity ay mula sa inisyatibo ni Mayor Ryanh Dolor kasama si Vice Mayor Ronald Cruzat at buong Sangguniang Bayan. Gayon din ang mahalagang pakikipagtulungan nina dating Cong. Raneo Abu at ng kanyang anak na si Dra. Reina Abu-Reyes.

Mayroong mahigit sa 500 na mga job applicants ang nagmula hindi lamang sa Bauan kundi pati na rin sa mga karatig bayan dito.

Samantalang labingwalong kumpanya naman ang sumali at nag-alok ng trabaho para sa local at overseas placement.

Nakilahok din upang magbigay ng kanilang assistance ang ilang NGAs na kinabibilangan ng Philhealth, Pag-IBIG, SSS, DMW at DOLE. Nagbigay naman ng unlimited kapeng barako ang Sangguniang Bayan ng Bauan, ang biscuits at bottled water para sa lahat ay mula sa Bauan Centennial Lions Club at Rotary Club of Bauan.

Isinagawa ang Job Fair na may temang, “Trabaho para sa Lahat, Handog ni Eyor Ryanh Dolor”, isang araw bago ang itinakdang Labor Day. Ito ay bilang pagpupugay ng LGU Bauan sa lahat ng mga manggawang Pilipino sa loob at labas ng ating bansa.

Mabuhay ang mga Manggawang Pilipino!

PESO Bauan

You may also like...