Centenarian Benefits

Benepisyo Para kay Lolo

Isang Bauangueño centenarian ang tumanggap ng P100,000 noong Hunyo 28, 2024. Si lolo Victorio De Roxas ay 101 taong gulang.

Ang benepisyong ito ay mula sa programa ng national government at sa tulong ng masusing pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Bauan sa direktiba ni Mayor Ryanh Dolor sa MSWDO at OSCA, ang focal offices ng programa.

Ayon sa mandato ng RA 10868 – “An Act Honoring and Granting Additional Benefits and Privileges to Filipino Centenarians, and for Other Purposes” na mas kilala bilang Centenarian Act of 2016, ang bawat Pilipino na umabot sa edad na 100 taon ay pagkakalooban ng centenarian gift o cash award na nagkakahalaga ng Php100,000. Bukod dito ay nagpaabot din ang Pangulo ng Pilipinas ng isang Felicitation letter para sa centenarian. Nakasaad dito ang kanyang pagbati at pagpapahalaga sa makulay na buhay at natatanging karanasan ng ating sentenaryo na nagsisilbing inspirasyon para sa mga kapwa niyang Pilipino.

Pinangunahan ni Ms. Dana Asilo mula sa DSWD Region IV-A ang pagbibigay ng cash award kasama ang mga representatives ni Mayor Dolor mula sa LGU Bauan na sina Quirino Caringal- Bauan OSCA Head, Esther Bool – President, Barangay OSCA Federation, Eriberta Ilagan – President, Brgy. San Vicente Senior Citizen. Naging saksi naman si Brgy. Capt, Filomeno Garibay at mga kapamilya ni Lolo Victorio sa nasabing pagtanggap.

You may also like...