Unang Linggo ng BOSS sa Bauan, tagumpay

Nakapagtala ng mahigit sa 250 business establishments ang nagparehistro at nagrenew ng kanilang Mayor’s Permits makaraang magsimula ang Business One Stop Shop (BOSS) noong January 3, 2022.

Upang maiwasan ang sobrang pagdagsa ng tao may itinakdang araw ng schedule ang bawat barangay. Hinihikayat din ang mga nagmamay-ari ng mga negosyo na gamitin ang online services para sa registration and renewal sa susunod na linggo. Mag log-in lamang sa official website na bauan.org at i-click ang eBPLS.

Samantala, may 2,478 ang maagap na nagbayad para sa kanilang amilyar o buwis ng ari-arian (Real Property Tax). Ito ay bunsod na rin ng ibinibigay na diskwento para sa nakatakdang schedule of payment. Mayroon ding sinusunod na araw ng pagbabayad ang lahat ng barangay.

Para sa kaligtasan ng lahat mahigpit na ipinatutupad ang mga minimum health protocols sa loob ng Municipal Hall.

You may also like...