Turn-Over Ceremony of Hearing Screening Kits and Test Room

Pormal na pinasinayaan ngayong araw, Oktubre 14, ang pagbubukas ng bagong pasilidad na Hearing Test Room sa Bauan General Hospital sa pangunguna nina Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor at Rotary Club of Bauan – District 3820.

Sa bagong pasilidad ay mayroong scanner (ERO•SCAN) para sa screening ng pandinig at wireless printer para sa agarang pag-imprenta ng resulta. Unang sinubok ito sa ilang sanggol sa nasabing ospital para makita kung may “hearing impairment” o wala sa pamamagitan ng ‘micro-probe’ na inilalagay sa kaliwa at kanang tenga nang wala pang 30 segundo at kaagad din naman itong nakapaglabas ng wastong resulta o epektibong datos. Samakatuwid, ito ay isang mabisang instrumento para sa mga propesyonal na doktor o kung sino pa mang nasa larangan ng medisina upang matukoy kung may kapansanan sa pandinig ang isang indibidwal.

Sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of Bauan at ng pamahalaang lokal sa ilalim ng liderato ni Mayor Wendah ay naisakatuparan ang pagbubukas nitong bagong pasilidad para sa kapakinabangan ng mga mamamayang Bauangueño.

#WeAreOneInBauan

You may also like...