TUPAD Payout

Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor, pinangunahan ang pamamahagi ng tulong pinansyal katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) kahapon, Oktubre 3, para sa 318 Bauangueรฑo na benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang nasabing payout ay ginanap sa Mini Coliseum sa Poblacion IV, kasabay na rin ng kanyang pag-inspeksyon sa bagong pasilidad ng pamahalaang bayan. Gayunpaman, namahagi ang DOLE ng ID at kaukulang dokumento para ma-withdraw ng mga benepisyaryo ang kanilang tulong pinansyal sa lalong madaling panahon. Ito ay dahil sa matagumpay nilang pagtatapos ng community service sa loob ng 10 araw batay sa polisiya at alituntuning itinakda ng DOLE.

Layunin ng TUPAD program na matiyak ang pagbibigay ng agarang tulong pangkabuhayan sa mga benepisyaryo. Dahil dito ay walang humpay ang pagpapatibay sa kooperasyon ng pamahalaang lokal sa ilalim ng liderato ni mayor Dolor at mga ahensyang nasyonal para sa mas inklusibong paghahatid ng serbisyong publiko sa mga Bauangueรฑo.

โ€œ๐‘บ๐’†๐’“๐’—๐’† ๐‘ด๐’๐’“๐’† ๐’˜๐’Š๐’•๐’‰ ๐‘ฐ๐’๐’•๐’†๐’ˆ๐’“๐’Š๐’•๐’š, ๐‘ณ๐’†๐’‚๐’… ๐’˜๐’Š๐’•๐’‰ ๐‘ฌ๐’Ž๐’‘๐’‚๐’•๐’‰๐’šโ€

#WeAreOneInBauan

You may also like...