Tulong Financial mula sa Pamahalaang Lungsod ng Makati
Tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Bauan sa pamamagitan nina Acting Mayor Kgg. Ronald Evangelista Cruzat at Municipal Treasurer Josiebel Ilagan ang isang check na nagkakahalaga ng ₱250,000.00 mula sa Pamahalaang Lungsod ng Makati. Ang naturang halaga ay ilalaan bilang financial assistance sa mga pamilya mula sa ating bayan na lubhang naapektuhan ng pananalasa na dulot ng TS Kristine at Leon.
Marami pong salamat City Government of Makati sa mahalagang tulong na ipinagkaloob ninyo sa aming mga kababayan.







