Tulong Bauangeño

Sa ngalan po ni Mayor RYANH M. DOLOR at Vice Mayor Ronald Evangelista Cruzat ang bayan ng Bauan ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nagbigay ng kanilang mahalagang oras, presensya, serbisyo at nagpaabot ng mahalagang tulong sa aming mga kababayan.

Sa ating pong mga donors mula sa government, NGOs, CSOs at iba pang concern citizens na dahil sa inyong busilak na puso sa pamimigay ng mga donasyong relief goods – foodpacks, bigas, gamot, damit, banig at kumot at personal hygiene kits ay natugunan po ang mga pangangailangan ng ating mga evacuees na nasa Bauan Technical Integrated High School.

Gayundin po ang pasasalamat sa lahat ng volunteers – pribadong grupo man o indibidwal, sa ating masisipag na mga Sangguniang Bayan Members, Sangguniang Kabataan, Barangay Officials and functionaries, at mga kawani ng lokal na pamahalaan na kahit deneklarang walang pasok o trabaho ay kaagad na dumulog sa abiso at pakiusap ng ating Mayor Dolor ng kinailangan ang additional manpower na aasiste sa mga nasalantang kababayan. Sila na mga nakatalaga sa araw araw na paghahanda ng pagkain, pagsasaayos at paglilinis ng Incident Command Post o evacuation center, at pagtugon sa iba pang pangangailangan ng mga evacuees at mga ka-barangay.

Bagaman tawag ng tungkulin hindi po matatawaran ang serbisyo at sakripisyo ng mga miyembro ng ating Bauan Incident Management Team (IMT) lalo na ang mga miyembro ng national agencies. Sila ang laging nakahandang sumuong sa panganib upang mag rescue ng mga tao na naipit at inilikas mula sa kanilang mga tahanan na lubog sa tubig lalo na noong kasagsagan ng baha sa mga apektadong barangay, ang mga nag clear ng mga daan at kalsada at naglinis ng mga nakahambalang na puno at lahat ng debris o basura, ang mga tao na kahit katatapos pa lang na mag rescue ay kaagad ng susulong muli pag may tawag ng kasunod na pagresponde at hindi isinasaalang alang ang panganib na dala sa kanilang buhay bagkus ang iniisip ay ang kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.

Sa pagpapala ng Poong Maykapal at sa inyong maagap na pagtugon, lubos po tayong nagpapasalamat sapagkat kahit anong lupit ang dinanas natin mula kay TS Kristine wala po ni isang kababayan natin ang nasawi.

May kahirapan man ay sama sama at kapit kamay po tayong babangon para sa ating bayan. Sa ating pagkakaisa, walang imposible at lahat ay kakayanin. Ika nga, bagyo ka lang BAUANGUEÑO KAMI!

Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!

#UnsungHeroes#UnselfishActs#PublicServants#ConcernCitizen

#WeAreOneInBauan

You may also like...