Teachers’ Appreciation Day
Tagumpay at puno ng kasayahan ang pagdiriwang ng Teachers’ Day sa bayan ng Bauan na ginanap noong ika-4 ng Oktubre, 2024 sa Herminigildo Jasa Dolor Coliseum.
Dumalo sa programa ang lahat ng guro mula sa public at private schools sa pangunguna nina Gng. Aurelia Aguila at Dra. Andrea Hernandez, Public Schools District Supervisors (PSDS) ng East at West Districts.
Naging tampok naman ang mga panauhing elected officials na kinabibilangan nina Gov. DoDo Mandanas, Mayor Ryanh Dolor, Vice Mayor Ronald Evangelista Cruzat at Sangguniang Bayan Members, Bokal Wilson Rivera at kanyang maybahay Jently Rivera, at Bokal Arlene Bantugon. Nagbigay ng kanilang suporta si dating SB Member, Mayora Wendah Dolor at gayundin si Dra. Reina Dolor Abu-Reyes na kumatawan din kay dating Cong. Raneo Abu.
Ang “Teachers’ Appreciation Day” ay natatanging araw para sa lahat ng guro na nagsisilbing pangalawang magulang ng mga bata sa loob ng paaralan. Ito ang araw ng pagkilala sa kanilang kasipagan, pagsusumikap, dedikasyon, tunay na pagmamahal at malasakit sa mga mag-aaral.
Maraming salamat po, minamahal naming mga guro!