SSS e-Wheels at Bauan
Muling nagkaroon ng “SSS e-Wheels Program” ngayong araw ng Huwebes sa Bayan ng Bauan na ginanap sa Municipal Hall Lobby.
Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor ang programa ay naglalayon na ilapit ang serbisyo ng Social Security Services sa publiko lalo’t higit sa mga mamamayan na nahihirapang magtungo sa mismong tanggapan ng ahensya. At dahil nasa sentro ang lokasyon ng Bauan, naging mas madali sa mga taga karatig bayan ang magsadya dito upang maka-avail ng mga inihaying serbisyo.
“Serve More with Integrity, Lead with Empathy”














