South Luzon Container Terminal (SLCT)

Dumalo si Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor kasama ang ilang opisyales ng lokal na pamahalaang Bayan ng Bauan sa project launch ng South Luzon Container Terminal (SLCT) ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) noong Marso 13, 2026.

Ang SLCT ay mayroong 800-meter quay at 38 hectares container yard at kapasidad na mahigit 2 million TEUs kada taon. Inaasahan na ito ay magiging pangalawa sa pinakamalaking container facility sa buong Pilipinas, kasunod ng Manila International Container Terminal (MICT).

Ayon kay Mayor Wendah ang nasabing proyekto ay makakatulong sa Bauan, una sa larangan ng employment sapagkat makakapagbigay ito ng dagdag na trabaho sa mga Bauangueño at pangalawa ay ang malaking development kasabay ang maraming investors na magdadatingan sa bayan. Dagdag pa niya, “Baka manibago sila sa pagbabago sa bayan pero nag-e-evolve po talaga ang mundo at nakikita nila ang development. Malaking tulong po na dagdag sa kita ng bayan lalo’t higit ito ay multi-million dollar project. Partners kami sa development, partners po kami para sa kabuhayan ng mga Bauangueño”.

Samantala, nagkaroon din ng pagkakataon si DPWH Sec. Vince Dizon, isa sa mga panauhin, upang mabisita ang bahagi ng Batangas City-San Pascual-Bauan Bypass Road sa may Barangay Inicbulan na magdurugtong patungo ng Barangay Manghinao Proper, na sa kasalukuyan ay may kinakaharap na usapin para sa right-of-way.

Ang mga infrastructure projects na tulad nito ay lilikha ng maraming oportunidad sa trabaho para sa mga residente at gayundin ang paglago ng mga negosyo at industriya, isang katibayan na ang Bayan ng Bauan ay isa sa pinakamaunlad at progresibong bayan sa buong lalawigan ng Batangas.

#WeAreOneInBauan

You may also like...