SLP General Assembly

Isinagawa ang 1st General Assembly ng Sustainable Livelihood Program (SLP) Batangas na bahagi ng programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong ika-2 ng Pebrero 2026 sa Municipal Training Hall. Kabilang sa mga nakiisa rito ay ang mga kababayang Bauangueño na kalahok sa programa at naglalayong mapaunlad ang kasanayan, karanasan, at kakayahan tungo sa matatag na kabuhayan.

Upang makapagbigay ng inspirasyon, nagbahagi ng makabulang mensahe at dagdag kaalaman sina Vice Mayor Ronald E. Cruzat, Kon. Marjorie Jelly A. Adel, at Kon. Romel B. Basilan patungkol sa masinop na pagbabadyet at pagpapatakbo ng isang negosyo para makatulong sa ekonomiya.

Sa pangunguna naman ng SLP Team Bauan sa pangunguna nina G. Ricky Boy C. Bacong at Bb. Christine A. Tondo, Project Development Officers; G. Ruel A. Cantos, SLP Livelihood Focal; at kasama si Bb. Ivan Michelle Acleta, Municipal Social Welfare and Development Officer, ilan sa mga tinalakay nila sa nasabing pagtitipon ay ang pagkilala sa mga dumalo, sustainability plan gayundin ang mga nakapaloob na proseso at insentibo rito, diskusyon ukol sa kahalagahan ng savings management, kalagayan ng mga asosasyon ng SLP sa kasalukuyan, at ang Sinsay Trade Fair 2026.

Ang SLP ng DSWD ay isang programa na naglalayong maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagsasanay, kasanayan, at suporta sa pangkabuhayan.

You may also like...