SHINE’s 3rd General Assembly & Thanks Giving

Idinaos ang 3rd General Assembly & Thanksgiving ng Support and Hope for Inclusivity and Neurodiverse Excellence (SHINE) Inc. na may temang “Four Words, One Spirit” noong umaga ng Disyembre 8, 2025 sa Hon. Julio M. Cruzat Mini Coliseum, Pob. IV. Bumida rito ang mga children with special needs kasama ang kanilang magulang. Nagkaroon din ng mga aktibidad katulad na lamang ng palaro at sayawan sa entablado.

Salaysay ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor, “Para po sa ating mga magulang, prayoridad po natin ang kaligtasan, kabuhayan, at kinabukasan ng ating mga anak. Narito po ang inyong tatay RYANH at nanay Wendah na lagi pong nakasuporta. Huwag po nating iisipin na sila ay isolated, na sila po ay hindi tanggap ng society. Dito sa ating bayan, atin pong ipaparamdam sa ating mga anak na sila ay normal, na sila ay belong sa society, at sila ay number 1 sa prayoridad ng ating liderato.”

Nagbigay din naman ng mensahe bilang inspirasyon at dagdag kaalaman sina G. Nelson Adante, Bauan Association for Persons with Disability (BAPDI) President; Dr. Lucila M. Portugal, propesor ng Graduate School mula sa Lyceum of the Philippines University (LPU) Batangas; Bb. Carmel Adarlo, SHINE Adviser; Gng. Lormelyn Maranan Cañasarez, SHINE President; at Gng. Ebeth Acuña Brosoto sa kanyang testimonya kung paano niya nalagpasan ang mga hamon bilang isang magulang.

Bilang regalo, namahagi si Mayor Wendah ng mga pagkain at school supplies para sa mga bata. Dagdag pa niya, “Hindi mabubuo ang ating komunidad nang wala ang katulad ninyo. Maraming salamat sa pagbibigay inspirasyon at pagmamahal na ipinararamdam ninyo sa inyong mga magulang.”

*(𝘈𝘯𝘨 𝘚𝘏𝘐𝘕𝘌 𝘐𝘯𝘤. 𝘢𝘺 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘭𝘭𝘦𝘤𝘵𝘶𝘢𝘭, 𝘭𝘦𝘢𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨, 𝘢𝘵 𝘥𝘦𝘷𝘦𝘭𝘰𝘱𝘮𝘦𝘯𝘵𝘢𝘭 𝘥𝘪𝘴𝘢𝘣𝘪𝘭𝘪𝘵𝘪𝘦𝘴 𝘨𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘈𝘶𝘵𝘪𝘴𝘮 𝘚𝘱𝘦𝘤𝘵𝘳𝘶𝘮 𝘋𝘪𝘴𝘰𝘳𝘥𝘦𝘳, 𝘎𝘭𝘰𝘣𝘢𝘭 𝘋𝘦𝘷𝘦𝘭𝘰𝘱𝘮𝘦𝘯𝘵𝘢𝘭 𝘋𝘦𝘭𝘢𝘺, 𝘚𝘱𝘦𝘦𝘤𝘩 𝘋𝘦𝘭𝘢𝘺, 𝘢𝘵 𝘪𝘣𝘢 𝘱𝘢. 𝘈𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨𝘱𝘶𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘗𝘰𝘣. 𝘐𝘐, 𝘉𝘢𝘶𝘢𝘯, 𝘉𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨𝘢𝘴.)

“𝑺𝒆𝒓𝒗𝒆 𝑴𝒐𝒓𝒆 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝑰𝒏𝒕𝒆𝒈𝒓𝒊𝒕𝒚, 𝑳𝒆𝒂𝒅 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝑬𝒎𝒑𝒂𝒕𝒉𝒚”

You may also like...