SGLG Validation 2024

2024 SGLG Regional Validation sa Bauan

Naging maayos ang isinagawang validation ng Regional Assessment Team para sa 2024 Seal of Good Local Governance sa lokal na pamahalaan ng bayan ng Bauan ngayong ika-14 ng Hunyo 2024 sa Training Hall ng Bauan Municipal Hall.

Dumalo at naglaan ng kanilang mahalagang oras bilang suporta ang buong pamunuan ng LGU sa pangunguna ni Mayor Ryanh Dolor kasama si Vice Mayor Ronald Cruzat at mga miyembro ng Sanggunian Bayan, gayundin sina MLGOO Celio Francia, Mun. Administrator Atty. Ava Talag at MPDO Engr. Melvin Arevalo na siyang focal person para sa SGLG, habang sumalang sa assessment ang heads of office at staff ng mga departamento na kasali sa validation.

Naging bahagi ng validation team ang mga LGOO mula sa ilang munisipalidad ng Batangas Province. Kabilang dito sina Joseph Soriano – Sta. Teresita MLGOO, Arlene Banaag – Talisay MLGOO, Maria Isabel Llanto – MLGOO Malvar, Judith Faye Torres – LGOO V, Pearl Ryzel Garcia – LGOO II, Engr. Archelo Duay at Dr. Gemar Perez mula sa Batangas State University.

Ang SGLG ay naglalayon na magbigay ng pagkilala sa mga LGUs na nagpapakita ng kahusayan at katapatan sa serbisyo at governance. Humaharap ang bawat LGU sa evaluation at assessment sangayon sa governance areas na kinabibilangan ng Financial Administration & Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection & Sensitivity; Health Compliance & Responsiveness; Sustainable Education; Business Friendliness & Competitiveness; Safety, Peace & Order; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture & Arts at Youth Development.

Bagaman ang bayan ng Bauan ay apat (4) na beses ng naging SGLG awardee noong taong 2017, 2018, 2019 at 2023 patuloy pa rin ang ating lokal na pamahalaan na nagsisikap upang makapagbigay ng maayos at tapat na serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa na nagpapatunay sa ating slogan na “We are ONE in Bauan”.

You may also like...