ServeMorewithIntegrityLeadwithEmpathy
Matapos ang isinagawang Oathtaking Ceremony ng Bauan elected officials noong nakaraang linggo, kaagad na sumabak sa gawain si Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor pagdating ng itinakdang unang araw ng kanyang panunungkulan noong Hunyo 30, 2025 kung saan siya ay dumalo sa isinagawang Inaugural Session ng Sangguniang Bayan.
Sa nasabing session ipinahayag ni Mayor Wendah ang programa na magsisilbing gabay para sa kanyang panunungkulan, ang SHIELD Program. Ito ay kinabibilangan ng SHELTER, programang magsusulong ng socialized housing para sa mga informal settlers lalo na sa mga naninirahan sa flood-prone at danger zones. HEALTH isa sa pangunahing prayoridad ay ang pagtatatag ng isang Dialysis Center na matatandaang sa panahon ng administrasyon ni Mayor Ryanh Dolor ay sinimulan ang istraktura, bukod dito ay ang pagpapalawak sa Bauan General Hospital. INCLUSIVE EDUCATION – pagpapatayo ng isang pampublikong kolehiyo sa ating bayan. Trabaho para sa mamamayan o EMPLOYMENT sa pamamagitan ng aktibong pagbuhay ng Bauan Chambers of Commerce na magpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng negosyo at pamahalaan at gayundin ang paglunlunsad ng training-to-direct-hiring sa tulong ibaβt ibang partner companies. Pagbibigay ng LIVELIHOOD programs tulad ng trainings, pinansyal at kagamitan sa mga pamilya lalo na iyong nasa laylayan ng lipunan. At ang huli ay DEVELOPMENT o kabuuang kaunlaran ng bayan, sa pamamagitan ng pagsusulong ng pag-unlad ng imprastruktura, proyektong pangkalikasan, matatag na ekonomiya at inobatibong pamahalaan.
Isinagawa ang Local Governance Transition Ceremony kung saan pormal na isinulit (formal turn-over) ni Outgoing Mayor RYANH M. DOLOR at miyembro ng local transition team ang lahat ng dokumento at kagamitan ng lokal na pamahalaan.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kawani at pinuno ng LGU na makadaupang palad si Mayor Wendah sa pamamagitan ng isang meeting na ginanap naman noong araw ng Huwebes. Dito ay ipinahayag ang primerang kautusan, ang Executive Order No. 1 – πππππ na ang katumbas na ibig sabihin ay,
ππππ£π ππππ π€ππ‘β πΌππ‘πππππ‘π¦, πΏπππ π€ππ‘β πΈππππ‘βπ¦. Paglilingkod na may katapatan at pamamalakad na may malasakit hindi lamang sa parte ng namumuno manapaβy gayundin ang mga kawani para sa lahat ng mamamayan.
Bukod sa mga nasabing okasyon, minarapat din ni Mayor Wendah na bumisita sa ilang tanggapan ng lokal na pamahalaan. Sa Bauan Public Market ay malayang naipahayag ng mga stall owners ang kanilang saloobin para sa kasalukuyang sitwasyon. Samantalang naiparating din ng pamunuan ng Bauan General Hospital ang mga concern at pangangailangan sa hospital.
Madami ring grupo, organizations, at NGAs ang dumalaw upang mag courtesy call sa alkalde, kabilang dito ang Philippine Coast Guard at Bauan East and West School Districts. Gayundin ang pagdating ng mga indibidwal na may personal na lakad o kaya naman ay nagnanais na humingi ng tulong para sa kanilang pangangailangan.
Sa unang linggo ng panunungkulan ni Mayor Wendah ay hindi lamang kapwa niya BauangueΓ±o ang nakaramdam ng serbisyong tatak Dolor. Katulad na lamang ng isang mamamayan mula sa karatig bayan ng San Pascual na dumulog sa kanyang tanggapan upang humingi ng tulong para sa discount ng medical bill sa Bauan General Hospital. Kaagad naman siyang napagbigyan matapos makausap ng personal ang butihing Mayor. Matatandaan na isa sa isinusulong na programa ng kanyang administrasyon ay ang pagtutok sa kalusugan. Ang pagbibigay ng abot-kayang serbisyong medikal sapagkat aniya ito ay hindi isang pribilehiyo o luho lamang kundi isang karapatang pantao na dapat lamang maibigay anuman ang katayuan mo sa buhay.

































