Agarang paglikas

Sanib pwersa ang mga miyembro ng IMT na kinabibilangan ng PNP, Coast Guard at BFP sa isinasagawang preemptive evacuation ng mga kababayan nating nakatira sa mga high risk areas o mga lugar na may mataas na tsansa ng pagbaha, pag-apaw ng ilog at paglambot ng lupa.

Iniisa-isa ng grupo ang bawat kabahayan na nasa Sitio Batis-Aplaya, Bulaklakan – New Danglayan, Sto. Domingo, ilalim ng tulay ng San Roque at Sta. Maria, at Batuhan sa San Pedro. Ilang residente ang sumunod at agarang lumikas sa mga itinalagang evacuation centers ng nasabing mga barangay.

Sa operations briefing kaninang umaga bago pa man lumakad ang 6 na teams ng IMT ay nagbigay tagubilin si Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor na maging maingat sa kanilang pagganap ng iniatas na tungkulin sapagkat aniya mahalaga ang kaligtasan at buhay ng bawat isa.

Ang maaga at agarang paglilikas ay ipinatutupad base sa kautusan ng national at local government upang maiwasan ang anumang sakuna.

Muli po ay pinaaalalahanan ang lahat na sumunod at tumalima sa mga patakaran ng ating LGU Bauan lalo’t higit ngayong panahon ng kalamidad.

“Serve More with Integrity, Lead with Empathy”

#WeAreOneInBauan

You may also like...