ServeMorewithIntegrityLeadwithEmpathy

Patuloy ang pagdating ng mga panauhin sa tanggapan ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor nitong nagdaang mga linggo. Halos araw araw ay maituturing na “𝑷𝙚𝒐𝙥𝒍𝙚’𝙨 𝘿𝒂𝙮” sapagkat walang tigil ang pagdating ng iba’t ibang grupo mula sa pribadong sektor man o sangay ng gobyerno. Malugod silang tinanggap ni Mayor Wendah upang malaman ang kanilang mahalagang pakay at matugunan ang anumang concern o kahilingan.

Naging abala man ang alkalde sa pagtanggap ng mga bisita ay hindi pa rin matatawaran ang tuwirang pangganap sa mga tungkuling bayan. Noong araw ng Biyernes ay nagpatawag ng isang meeting (𝑷𝒓𝒆-𝑫𝒊𝒔𝒂𝒔𝒕𝒆𝒓 𝑹𝒊𝒔𝒌 𝑨𝒔𝒔𝒆𝒔𝒔𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑴𝒆𝒆𝒕𝒊𝒏𝒈) para sa kahandaan kung sakali man makaranas ng mga sitwasyon dulot ng 𝑻𝑺 𝑪𝒓𝒊𝒔𝒊𝒏𝒈. Kaagad niyang pinag utos na magkaroon ng monitoring sa lahat ng barangay na may mga vulnerable areas. Gayundin ay pinaalalahanan ang bawat tanggapan ng lokal na pamahalaan at NGAs at miyembro ng 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 na tumugon sa kanilang mga nakaatas na gawain lalo’t higit sa ganitong panahon.

‘𝑺𝒆𝒓𝒗𝒆 𝑴𝒐𝒓𝒆 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝑰𝒏𝒕𝒆𝒈𝒓𝒊𝒕𝒚, 𝑳𝒆𝒂𝒅 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝑬𝒎𝒑𝒂𝒕𝒉𝒚’

#PaglilingkodNgTapat

#MalasakitNaPamamalakad

#WeAreOneInBauan🇵🇭

You may also like...