ServeMorewithIntegrityLeadwithEmpathy
14 Hulyo 2025 – Isang masayang pagkakataon para sa mga miyembro ng Municipal Women’s Coordinating Council (MWCC)/Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) na makasama si Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor sa kanilang ginawang pagbisita. Ang grupo ay samahan ng mga kababaihan mula sa 40 barangay ng Bayan ng Bauan kung saan ang alkalde ang nahirang na presidente simula 2007 hanggang sa kasalukuyan.
Malugod naman na tinatanggap ni Mayor Wendah ang bawat grupo na dumudulog sa kanyang tanggapan upang makapanayam. Kabilang sa mga panauhin ang mga Senior Barangay Coordinators gayundin ang mga members ng Private Schools Association of Batangas (PRISAB)-Bauan District. Samantala isang pares naman mula sa Barangay San Roque ang ikinasal noong araw na iyon.
‘𝑺𝒆𝒓𝒗𝒆 𝑴𝒐𝒓𝒆 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝑰𝒏𝒕𝒆𝒈𝒓𝒊𝒕𝒚, 𝑳𝒆𝒂𝒅 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝑬𝒎𝒑𝒂𝒕𝒉𝒚’




























