ServeMorewithIntegrityLeadwithEmpathy

“Kami po ay instrumento lamang. Kakulay man o hindi, kabaro man o hindi, kapamilya man o hindi. Walang pipiliin sa larangan ng paglilingkod.”- Mayor Wendah Dolor

Sa direktiba ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor ay ipinagpatuloy ang distribution o pamimigay ng food assistance na nabinbin noong panahon ng halalan. Bilang pagtalima sa COMELEC Resolution ay minarapat ng ating pamahalaang lokal na pansamantalang itigil ang pamamahagi ng assistance. Matatandaan na ang pondo para dito ay nagmula sa kagandahang loob ng magkapatid na Senador Allan Peter Cayetano at Senador Pia Cayetano sa pamamagitan ni dating Congressman Raneo Abu at pakikipagtulungan ni dating Mayor Ryanh Dolor.

Ayon pa sa butihing mayor hanggang may pondo at hanggang may ibibigay ay dirediretso ang pagtulong sa ating mga kababayan.

Samantala, patuloy ang ginagawang pagtanggap ni Mayor Wendah ng mga panauhin sa kanyang tanggapan at mabigyan ng pagkakataon ang bawat indibidwal o grupo na personal niyang makausap at makadaupang palad. Kabilang sa mga bisita ay nagmula sa academe sector, NGAs, companies & stakeholders, at officers & members ng ilang organizations. Bukod sa pagtanggap ng mga nag courtesy calls, pinangasiwaan din ang panunumpa sa katungkulan ng mga opisyales ng Bauan Credit Cooperative at nag-officiate ng civil wedding.

𝐒𝐌𝐈𝐋𝐄!

‘𝑆𝑒𝑟𝑣𝑒 𝑀𝑜𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝐼𝑛𝑡𝑒𝑔𝑟𝑖𝑡𝑦, 𝐿𝑒𝑎𝑑 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝐸𝑚𝑝𝑎𝑡ℎ𝑦’

#WeAreOneInBauan

You may also like...