Senior’s Month Celebration
Puno ng kasiyahan ang pagdiriwang ng Senior Citizens’ Month sa bayan ng Bauan na ginanap noong ika-18 ng Oktubre 2024 sa HJD Coliseum.
Sa nasabing okasyon, ang mga senior citizen beneficiaries na may edad 85 pataas ay nabigyan ng Senior Cash Incentives. Ito ay mula sa mandato ng Municipal Ordinance No. 21-10-0284 ng bayan ng Bauan. Nakasaad dito na, “AN ORDINANCE HONORING THE BONAFIDE CENTENARIANS AND SENIOR CITIZENS AGES 85 AND ABOVE BY GRANTING CASH GIFT BENEFITS TOEVERY QUALIFIED BAUANGUEÑO OF THE MUNICIPALITY SUBJECT TO AVAILABILITY OF FUND”. Noong nakaraang linggo, Okt. 16, minarapat naman ni Mayor RYANH M. DOLOR na bisitahin at puntahan sa kanilang mga tahanan ang ilang bedridden seniors upang personal na maibigay ang kanilang cash benefits.
Samantala, 400 na mga seniors mula sa 40 barangays ang nabigyan ng tig isang libong piso mula sa nakolektang cash na handog ng mga butihing panauhin ng kanilang programa. Sa bawat taon ng pagdiriwang ng Seniors’ Month, ang mga Senior Presidents at coordinators ng bawat barangay ay pumipili ng mga seniors na dadalo sa programa na ginaganap sa buwan ng Oktubre, kung kaya naman lahat ng nakatatanda ay mabibigyan ng pagkakataon na makasali sa taunang programa. At para sa kasiyahan ng lahat, nagpakita ng kanilang ipinagmamalaking talento ang mga seniors sa pamamagitan ng kanilang cultural dance at harana numbers.
Dumalo ang mga elected officials at nagpahayag ng kanilang suporta at pagmamahal sa ating mga seniors na kinabibilangan nina Mayor Dolor at Vice Mayor Ronald Evangelista Cruzat kasama ang Sanggunian Bayan Members at BM Wilson Rivera. Dumating din ang mga imbitadong panauhin para sa nasabing okasyon na kinabibilangan sina Mayora Wendah Dolor, dating Cong. Raneo Abu, Gng. Jently Rivera, Dra. Reina Abu-Reyes, Jelly Adel at Jem Garcia.
Bukod sa mga handog na donasyon mula sa mga opisyal ng bayan at mga panauhin, umagos din biyaya mula sa mga sponsors na nagbigay ng food and drinks, raffle prizes na cash, bigas at groceries. Nagkaroon din ng ilang services na kinabibilangan ng medical service at haircut service. Ang mga sponsors ay kinabibilangan ni BM Arlene Bantugon, G. Antonio Giman, Bauan Medical Society, Anakalusugan, Rotary Club of Bauan, Bauan Centennial Lions Club, Jollibee Bauan, Jollibee Manghinao, Lantake, Mang Inasal, Citimart, Mcdonald’s, Steak to Juan, LGBTQIA+LANTAD, Mans Barbers, San Miguel Foods, Dali at Robinson’s Easymart.
Lubos ang naging pasasalamat ng lahat ng mga seniors sa pamamagitan ni OSCA Head, Kenneth Caringal sa lahat ng mga panauhin, sponsors at mga municipal offices na naging kaagapay sa matagumpay na pagdiriwang ng Seniors’ Month.
See Translation