Senior Citizens’ Month Celebration

Kaugnay ng pagdiriwang ng Senior Citizens’ Month, namahagi si Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor kasama sina Kons. Josephine D. Gimeno, Kons. Marjorie Jelly A. Adel, at Kons. Jesimiel Jake O. Garcia mula sa Sangguniang Bayan, ng food packs sa sektor ng mga senior citizens na kasama sa paglilingkod sa pamahalaang bayan noong Oktubre 17, 2025.

Ang mga food packs na ito mula sa mga sponsors, isa na rito ang ICTSI Foundation, ay naglalaman ng sari-saring grocery items tulad na lamang ng mga gatas at tinapay.

Ang mga nakatanggap na kawani mula sa iba’t ibang departamento ng pamahalaang bayan ay lubos ang tuwa at pasasalamat sa ipinamahaging biyaya. Bahagi rin ito ng pagpapahalaga ni mayor Wendah sa kanilang walang kupas na serbisyo publiko para sa bayan ng Bauan — isang patunay na hindi hadlang ang edad sa paglilingkod sa bayan.

You may also like...