Senior Citizen’s Day
Inihandog ng LGU Bauan sa ating mga minamahal na nakatatandang kababayan ang isang araw na masayang pagdiriwang ng culminating activity para sa Senior Citizens’ Month, kahapon, Nob. 4.
Bago pa man ang program proper ay may line up na ng iba’t ibang activities na inihanda para sa kanila. Enjoy sa Zumba sessions ang ating mga seniors na nagpakita ng kanilang powerful “danxerciseâ€. At kung may sayawan meron din feeding program mula sa sponsorship ng Rotary Club of Bauan at Bauan Centennial Lions Club. Free medical consultation and medicines naman ang inilaan ng mga volunteer doctors mula sa Bauan Medical Society at “Alagang Reina Dolor Abu-Reyes†kaaagapay ang mga staff mula sa ating MHO. Samantala, hindi din nagpahuli ang mga members ng LGBTQ+ Bauan Chapter para sa kanilang “balik alindog project†na libreng gupit. Nagbigay kasiyahan naman para sa lahat ng mga panauhin ang mga pampasiglang bilang na singing at ballroom dancing mula sa mga seniors.
Bukod sa mga nasabing activities, nagkaroon din ng pa-raffle na ang prizes ay galing sa mga butihing sponsors. Mula naman sa generosity ni Mayor Ryanh Dolor at Mayora Wendah, ₱500.00 ang kanilang “personal cash gift†sa bawat seniors na dumating.
Highlight sa program ay ang pamimigay ng LGU sa mga seniors 90 years old and above ng Senior Cash Incentives. Ito ay base sa Municipal Ordinance No, 21-10-0284 na kilala bilang BAUANGEÑO CENTENARIAN ORDINANCE. Kabilang sa naging beneficiaries nito ay tatlo (3) pang Centenarians mula sa Barangay Aplaya, San Andres Proper at Poblacion 2 na dumating sa araw ng programa. Isang araw bago ito ay minarapat ni Mayor Dolor na puntahan sa kanilang mga tahanan ang ating mga seniors na bed ridden o iyong may kahinaan na sa mobility at hindi na makadadalo sa program, upang personal na makadaupang palad at maibigay ang kanilang “senior cash incentives.â€
Naging pagkakataon ang programa upang parangalan si Gng. Cynthia Togle, MSWD Officer. Ito ay bilang pasasalamat at pagkilala sa kanyang natatanging serbisyo bilang head ng nasabing tanggapan sa bayan ng Bauan. Nabigyan din ng pagkilala ang mga participants ng nakaraang Seniors’ Hope Expo na ginanap sa San Jose, Batangas,kung saan ang ang bayan ng Bauan ay itinanghal na Most Outstanding Town.
Dumalo at nakiisa sa nasabing program ang pamunuan ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Ronald Cruzat at mga SB Members – Hon. Josephine D. Gimeno (Chairperson, Committee on Senior Citizen Affairs), Hon. Hero Dolor, Hon. Neil Valdez, Hon. Rommel Basilan, Hon. Guenn Abante, Hon. Michael Endaya at Hon. Leon Ramos Jr; Bokal Wilson Rivera; representative mula sa Office ni Bokala Arlene Magboo; Dra. Reina Dolor Abu at representatives mula sa Office ni dating Cong Raneo Abu.
Maayos ang pagdaraos ng Senior Citizens’ Day dahil na rin sa kooperasyon ng bawat department offices na naglaan ng kani-kanilang partisipasyon. Lubos naman ang naging pasasalamat ng pamunuan ng LGU Bauan lalo’t higit ang MSWDO at OSCA sa lahat ng sponsors na nagbigay ng kanilang mahalagang tulong para sa tagumpay ng programa.
“Resilience of Older Persons in a Changing Worldâ€
See Translation