Senior Cash Incentives
Dumalaw si Mayor Ryanh Dolor kasama sina SB Members Kon Hero Dolor at Kon Neil Valdez sa ilan nating mga senior citizens na bed ridden o may kahinaan na sa mobility upang makadaupang palad, kumustahin at personal na maiabot ang kanilang cash incentives mula sa lokal na pamahalaan ng Bauan.
Kabilang sa personal na binisita ay ang dalawang (2) Centenarians mula sa Barangay Balayong at San Roque, gayundin ang labindalawang (12) seniors na may edad 95-99.
Ang Senior Cash Incentives ay ipinagkakaloob sa ating mga nakatatandang mga kababayan base sa Municipal Ordinance No. 21-10-0284 na mas kilala din bilang Bauangeño Centenarian Ordinance – “AN ORDINANCE HONORING THE BONAFIDE CENTENARIANS AND SENIOR CITIZENS AGES 85 AND ABOVE BY GRANTING CASH GIFT BENEFITS TO EVERY QUALIFIED BAUANGEÑO OF THE MUNICIPALITY OF BAUAN SUBJECT TO AVAILABILITY OF FUNDSâ€.
Sa direktiba ni Mayor Dolor, ang nasabing ordinance ay kaagad na nabigyan ng priority budget ngayong 2022 kung saan 90 years old and above na mga kababayang ay mabigyan ng benepisyo. Sa darating na 2023 ang mga seniors na may edad na hindi bababa sa 85 years old ay mapagkakalooban na din ng nasabing benepisyo, subject to the documentary requirements na kailangang ipresenta para sa entitlement ng cash-gift benefit.