SB Inaugural Session

Sa pangunguna ng Ama ng Sangguniang Bayan ng Bauan Vice Mayor Ronald E Cruzat, ginanap ang SB Inaugural Session noong July 1 sa Municipal Hall Lobby.

Bawat isa sa walo (😎 miyembro ng Sangguniang Bayan ay nagbigay ng kanilang pasasalamat sa mga taong nagbigay ng suporta kung kaya sila ay nagtagumpay sa nakaraang halalan. Gayun din ay ipinahayag ang mga adhikain na may kinalaman sa kanilang sinumpaang tungkulin, ang pagtataguyod ng mga batas, ordinansa at resolusyon at iba pang gawain para sa kabutihan at kagalingan ng mga mamamayan at bayan ng Bauan.

Sa inaugural speech ni Vice Mayor Cruzat tinuran niya na ang pagtitiwala na ibinigay sa kanya ng taong bayan ay susuklian niya ng mas higit na pagtulong para sa ikauunlad ng bayan.

Pagkakaisa naman ang naging laman ng mensahe ng butihing Mayor Ryanh Dolor. Para sa kanya mahalaga ang pagkakaisa ng bawat isa upang mabilis na matugunan ang mga pangangailangan ng mga kababayang pinaglilingkuran.

Congratulations po sa inyong lahat at nawa ay lagi kayong pagpalain ng Poong Maykapal.

Mayor Ryanh M Dolor

Vice Mayor Ronald E Cruzat

Kon. Hero M Dolor

Kon. Neil P Valdez

Kon. Romel B Basilan

Kon. Jennelle Claresta Guenn S Abante

Kon. Patricia Nicole T Abrahan

Kon. Michael T Endaya

Kon. Josephine D Gimeno

Kon. Leon R Ramos Jr.

#WeAreOneInBauan👆🏻

You may also like...