Sa Bayan ng Bauan, Walang Maiiwan
1,312 na kababayang Bauangueño na naapektuhan ng Bagyong Uwan ang nakatanggap ng food packs noong hapon ng Disyembre 8, 2025 sa Hon. Julio M. Cruzat Mini Coliseum sa Pob. IV, Bauan.
Ang pamamahagi ng food packs ay pinangunahan ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor katuwang sina former Mayor RYANH M. DOLOR, MSWDO staff, at ilang barangay officials. Ang mga indibidwal na nakatanggap ay mga residente mula sa 26 na barangay na lubhang naapektuhan ng bagyo at kinailangang ilikas mula sa kanilang tahanan.
Bawat food packs ay naglalaman ng bigas, kape, noodles, biscuit, at de-lata gaya ng sardinas. Kabilang din sa sumuporta at nagmalasakit para sa nasabing food packs ay sina Cong. Leandro Legarda Leviste na kinatawan ng unang distrito ng Batangas at ang kanyang ina na si Sen. Loren Legarda.
Patunay lamang ito na sa pamamagitan ng bayanihan ng mga Bauangueño matapos ang unos ay tuloy-tuloy ang pagbangon kasama ang pagmamalasakit at pagmamahal na binibigay ng pamahalaang bayan sa liderato ni Mayor Wendah — sapagkat sa bayan ng Bauan ay walang maiiwan.
“𝑺𝒆𝒓𝒗𝒆 𝑴𝒐𝒓𝒆 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝑰𝒏𝒕𝒆𝒈𝒓𝒊𝒕𝒚, 𝑳𝒆𝒂𝒅 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝑬𝒎𝒑𝒂𝒕𝒉𝒚”

































