Rehabilitasyon ng Drainage Systems sa Poblacion Area, Ongoing

Pagsasaayos ng mga kanal sa Poblacion area ang isa sa mga pangunahing proyekto ng pamahalaang bayan ng Bauan. Sa kadahilanang maraming lugar ang nakakaranas ng pagbaha dulot ng baradong kanal kaya naging prayoridad ang rehabilitasyon ng mga ito.

Mula sa project proposal ng Bauan MPDC, “Rehabilitation of Drainage Systems at Poblacion”, at sa approval ni Mayor Ryanh M. Dolor kaagad na sinimulan ang proyekto noong August 5, 2021.

Sa kasalukuyan ay ongoing ang rehabilitasyon sa lansangan ng S. Ylagan, San Diego At Binay na nasasakupan ng Poblacion IV.

Ang mga isinaayos na kanal ang magsisilbing catchment drainage ng tubig baha na siyang dadaloy patungo sa Batangas Bay.

You may also like...