Recognition and Commendation 2025

08.27.25 Ginawaran ng LGU Bauan sa pamamagitan ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor at Sangguniang Bayan ng isang Resolution of Recognition and Commendation si Engr. Jasmine Joy Abe Ebreo ng Barangay Manalupang bilang Top 6 sa katatapos na Mechanical Engineering Licensure Examination. Siya ay nagtapos sa Batangas State University – The National Engineering University.

Sa pagtanggap na mensahe ni Engr. Ebreo ay lubos ang kanyang pasasalamat sa Panginoon para sa mga biyayang ipinagkaloob sa kanya kabilang na ang pagiging isa sa mga topnotchers ng nagdaang examination, gayundin sa kanyang mga magulang, kaibigan at sa lahat ng nagtiwala at sumuporta sa kanyang mga pangarap pati na rin sa lokal na pamahalaan ng Bauan sa pagbibigay sa kanya ng katulad nitong pagkilala. Sa pagtatapos ng kanyang pananalita sinabi niya na, “success is not just for the privileged, it’s for those who work hard”.

Bilang Ina ng Bayan ng Bauan, binigyang papuri naman ni Mayor Wendah Dolor ang karangalan na nakamit ng ating kababayan. Aniya, “si Engr. Jasmine ay isang huwaran ng bawat kabataang Bauangueño, isang dangal at inspirasyon hindi lamang ng kanyang pamilya at kabarangay ngunit ng buong bayan ng Bauan”.

Congratulations, Engr. Jasmine!

You may also like...