Pride March
Tagumpay at naging makulay ang pagdaraos ng 8th Batangan Pride March nitong Hunyo 27 sa Bauan, Batangas. Mula sa 27 munisipalidad at lungsod ng Batangas Province, nagtipon tipon ang mga miyembro ng LGBTQIA+ sa Herminigildo J. Dolor Coliseum, Barangay Manghinao Proper sa natatanging araw na inilaan para sa kanila.
Nagsimula ang selebrasyon sa pagmartsa o pagparada ng mga naggagandahang muses at delegasyon ng bawat bayan. Matapos ito ay nagkaroon ng programa kung saan ipinamalas nila ang kanilang talento sa PLAB Got Talent Contest at Best in Local Festival Costume na pagandahan suot ang kanilang pambayang kasuotan.
Nagkaroon din ng isang Para Legal Orientation mula kay Ms. Mary Gyknell Tangente ng grupong Galang Philippines. Dito ay ipinaliwanag niya ang mga batas na magsisilbing proteksyon ng bawat isa tulad halimbawa ng RA 11313 o Safe Spaces Act. Subalit mas iigting pa ang proteksyon kung maisasabatas ang SOGIE Equality Bill.
Bilang dagdag kasiyahan ay nagpaunlak sina Mayor Ryanh Dolor at kanyang maybahay Mayora Wendah, Vice Mayor Ronald Cruzat at BM Wilson Rivera ng cash donation na nagkakahalaga ng ₱100,000. Mula sa donation na ito ay nagkaroon ng pa-raffle, at bawat pinalad na mabunot ay nagkaroon ng ₱500.00.
At bilang host municipality dumalo sa pagdiriwang ang sina Mayor Ryanh Dolor at Vice Mayor Ronald Cruzat at mga kawani ng LGU Bauan. Nagbigay din ng kanilang inspirational message ang mga Sangguniang Panlalawigan members na kinabibilangan nina BM Wilson Rivera at BM Arlene Magboo mula sa 2nd District, BM Claudette Ambida ng 5th District, BM Armie Bausas 1st District, BM Alfredo Corona 3rd District, at BM Willy Maliksi Pangulo ng PLnB, samantalang si Gov. Hermilando DoDo Mandanas ay kinatawanan naman ni Exec. Asst. Rogie Arellano.
Ang 8th Batangan Pride March ay programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng PSWDO. Naglalayon ito na ipaalam hindi lamang ang “rights and privileges, diversity and equality†ng bawat kasapi ng LGBTQIA+ sector, ngunit gayun din ang kanilang pagiging productive members of the community sa pamamagitan ng paglalaan ng kanilang talento para sa ikauunlad ng pamayanan.