PNP Meeting

02.23.26 Kasama si Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor ay nagsagawa ng kaukulang pagpupulong sa pagitan ng Bauan PNP, Bauan BFP, DILG, mga owner-managers ng convenience stores, at ilang mga pangulo ng barangay upang palakasin pa ang seguridad at kaligtasan ng business establishments na matatagpuan sa bayan ng Bauan.

Tinalakay ni PLTCOL Carlito R Valdez, hepe ng Bauan PNP kasama ang ilang kapulisan, ang proactive at reactive approaches sa pagtugon sa crime incidents. Napag-usapan din ang kahalagahan ng pagkakaroon ng CCTV cameras, mabilis na pag-ulat sa insidente at agarang koordinasyon sa mga awtoridad, at mahigpit na pagtatanod para sa epektibong seguridad ng mga establisyemento.

Bilang buod, sinisigurado ng pamahalaang bayan ng Bauan, katuwang ang mga nasabing ahensya, na buo ang kanilang suporta para sa pagpapanatili ng kaligtasan at upang mapuksa ang kriminalidad na isa sa mga mahalagang salik ng mapayapang pamayanan.

You may also like...