Plate Distribution Caravan
Umulan man o umaraw, magkatuwang ang pamahalaang bayan ng Bauan sa pangunguna ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor at Land Transportation Office (LTO) Batangas para kasalukuyang isagawa ang βPlate Distribution Caravanβ sa Municipal Hall Lobby ngayong araw ng Sabado, Agosto 23, 2025.
Bukas ang mga pintuan ng munisipyo para sa programang ito ngayong araw mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Ang pamamahagi ng plaka ay limitado lamang sa mga motorsiklo at tricycle mula taong 2017 pababa. Sa mga nagnanais kumuha ay mangyaring dalhin lamang ang photocopy ng updated na OR/CR ng sasakyan, valid ID ng rehistradong may-ari, at authorization letter kung hindi ang rehistradong may-ari ang kukuha.
βπΊππππ π΄πππ ππππ π°ππππππππ, π³πππ ππππ π¬ππππππβ






























