Plastic at Styro HINDI NA PWEDE
Mula sa direktiba ni Mayor Ryanh Dolor magkatuwang na nagsagawa ng inspection ang Municipal Environment and Natural Resources Office at Bauan Public Market para sa pagpapatupad ng “Non Use of Plastic†Policy sa ating pamilihang bayan. Nagbigay naman ng kanilang suporta at kooperasyon ang Bauan Public Market Vendors Association at agad na tumalima sa pagsunod dito.
Layunin ng ating pamahalaan na mabawasan ang paggamit ng plastic, styro at mga kauri nito na lubhang nakakaapekto sa ating kalikasan.
Kaugnay nito mahigpit na ipinatutupad ang Municipal Ordinance No. 11-08-0034 S 2011 na nagbabawal sa paggamit ng non-biodegradable plastic at pagpapataw ng kaukulang multa sa paglabag dito.
#WeAreOneInBauan