Peace Covenant and Unity Walk (BSKE 2023)

Bauan, Batangas | Pinangunahan ni Bb. Gene Barte, COMELEC Election Officer ng bayang ito, ang Peace Covenant and Unity Walk para sa Barangay and SK Elections 2023 ngayong araw ng Sabado, Set. 16.

Mula sa Bauan Municipal Hall ay nagtipon ang mga kandidato at sabay sabay na lumakad patungo sa HJD Coliseum kung saan gaganapin ang event.

Bago pormal na sinimulan ang programa ay nagkaroon ng pray over para sa lahat ng dumalo mula sa ilang religious sectors. Matapos ito ay nagbigay ng kanilang mensahe sina PLTCOL Nestor Cusi ang hepe ng Bauan PNP at MLGOO Sir Celio Francia, samantalang si Atty. Ava Talag, representative ni Mayor Ryanh Dolor ang siyang nagpahayag ng mahalagang mensahe mula sa punumbayan.

Ang lahat ng kandidato mula sa Punong Barangay, Barangay Kagawad, SK Chairperson at SK Kagawad ay nanumpa ng kanilang Candidates Oath sa harap ni Bb. Barte. At bilang paggalang sa kasunduan ay lumagda ang bawat kandidato at mga representatives from National at Local Offices sa isang manifesto na nagsasaad para sa kapayapaan at kaayusan ng darating na election.

#BSKE2023

#WeAreOneInBauan☝🏻

You may also like...