PDRA
Sa direktiba ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor, Chairperson ng MDRRMC, nagsagawa ngayong araw ng isang Pre Disaster Risk Assessment meeting para sa gagawing kahandaan sa darating na bagyong Opong.
Pinangunahan ni EnP Belina Macuha-Montalbo, MDRRMO, ang naging pagpupulong. Kabilang sa naging sentro ng meeting ang automatic suspension ng mga klase depende sa kung anong typhoon signal, pagsasaayos ng mga drainage ng lahat ng waterways, pag monitor sa mga vulnerable areas ng mga barangay at gayundin ang pagsasagawa ng pre-emptive o forced evacuation kung kinakailangan.
Ang tagubilin ni Mayor Wendah sa bawat barangay ay ang gagawing mga kahandaan lalo na ang pagtalaga ng mga evacuation centers at pagkakaroon tuwina ng open communications.
Ayon sa PAGASA inaasahan na dadaan si Opong sa Batangas sa araw ng Biyernes o Sabado.
Maging maingat at ligtas po tayong lahat.
“Serve More with Integrity, Lead with Empathy”









