PDRA Meeting

Bauan, Batangas – Sa direktiba ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor naganap ngayong araw, Hulyo 18, 2025 ang Pre Disaster Risk Assessment Meeting sa bayang ito.

Pinangunahan ni Ma’am Belina Macuha-Montalbo, MDRRMO ang naging pagpupulong. Kabilang sa tema ay ang pag identify sa mga vulnerable areas kung saan tuwing panahon ng bagyo o tag-ulan ay nagkakaroon ng pagbaha at landslide, gayundin ang pagsasagawa ng pre-emptive o forced evacuation kung kinakailangan.

Patuloy naman ang isinasagawang monitoring sa bawat barangay at paghahanda mula sa mga miyembro ng Incident Management Team kung sakaling dumating ang mga hindi inaasahang sitwasyon.

Ayon pa kay Mayor Wendah mas mabuti na ang naka ready ang lahat anumang oras.

#WeAreOneInBauan🇵🇭

You may also like...