PDRA
𝐋𝐆𝐔 𝐁𝐚𝐮𝐚𝐧, 𝐍𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐨𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐭𝐰𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐚 𝐈𝐝𝐮𝐝𝐮𝐥𝐨𝐭 𝐧𝐢 𝐓𝐒 𝐔𝐖𝐀𝐍
Sa direktiba ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor, Chairperson ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) isinagawa ang 𝑷𝒓𝒆-𝑫𝒊𝒔𝒂𝒔𝒕𝒆𝒓 𝑹𝒊𝒔𝒌 𝑨𝒔𝒔𝒆𝒔𝒔𝒎𝒆𝒏𝒕 (𝑷𝑫𝑹𝑨) 𝒇𝒐𝒓 𝒔𝒆𝒗𝒆𝒓𝒆 𝑻𝑺 𝑼𝒘𝒂𝒏 ngayong araw, ika-7 ng Nobyembre 2025. Ang pagpupulong ay pinangunahan ni 𝗘𝗻𝗣 𝗕𝗲𝗹𝗶𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗰𝘂𝗵𝗮-𝗠𝗼𝗻𝘁𝗮𝗹𝗯𝗼, Bauan MDRRMO, at dinaluhan ng mga miyembro ng council na kinabibilangan ng mga Municipal Department Heads, NGAs (PNP, BFP, PCG), DepEd, at barangay captains.
Naging sentro ng usapin ang tungkol sa mga gagawing kahandaan at kaligtasan sa bawat barangay. Kabilang dito ang mga paunang abiso sa mga kababayan mula sa mga hazard prone areas kung saan may posibilidad ng storm surge, flash flood, at landslide o paglambot ng lupa. Pinaalalahan din ang mga barangay na magkaroon ng agarang preparasyon para sa evacuation o paglikas ng mga tao mula sa baybay dagat at malapit sa ilog dahil na rin sa pagsabay ng high tide sa araw na pagdating ng bagyo.
Habang maganda pa ang panahon ay pinayuhan ang lahat na maglinis ng mga waterways tulad ng ilog, batis at kanal para maiwasan ang lubhang pagbabara sa daanan ng tubig. Gayundin ang pagpuputol ng mga damo at sanga ng mga puno na malapit sa mga kalsada at daraan ng sasakyan sa pagtutulungan ng barangay at 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗘𝗻𝗴𝗶𝗻𝗲𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲. Nabanggit din sa pagpupulong na dapat ay walang nakakalat na basura galing sa mga bahayan lalo na sa Poblacion area.
Samantala ang bawat ahensya ng LGU at NGAs ay nagbigay din ng kanilang mga paalala. Ayon kay Municipal Health Officer 𝗗𝗿. 𝗪𝗶𝘀𝘁𝗼𝗻 𝗜𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻, ang lahat lalo na ang mga kabataan ay pinapayuhan na manatili sa kanilang mga tahanan sapagkat hindi pa din maiiwasan ang mga flu-like illnesses at gayundin ang banta ng leptospirosis sa mga taong sumusuong sa baha. Ipinagbabawal naman ang lahat ng uri ng water activities para sa mga resort establishments mula kay 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗘𝘂𝗳𝗲𝗺𝗶𝗮 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮, Municipal Tourism Officer. Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na umano ang 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗼𝗮𝘀𝘁 𝗚𝘂𝗮𝗿𝗱 ng clearing o clearance ng mga barko, anunsyo ng sheltering at abiso sa fisherfolks habang ang 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗙𝗶𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 naman ay nagpaalala sa mga kabahayan na mag check ng mga sirang kawad ng kuryente at breaker sapagkat malaki din ang posibilidad ng fire incident mula sa mga ito. Sa panig naman ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 ay nananatiling naka standby ang kanilang search and rescue team sa lahat ng panahon.
Binigyang linaw naman ni Gng. Montalbo na ang advisory para sa paaralan mula Bauan East at West Districts ay iaanunsyo sa darating na araw ng Linggo, Nob. 9.
Bilang pagtatapos ng meeting ay muling ipinaalala ni 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗪𝗲𝗻𝗱𝗮𝗵 ang kaligtasan ng bawat isa sapagkat aniya, 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑎𝑦 𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑠𝑎𝑚𝑎𝑛𝑡𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑎𝑟𝑖-𝑎𝑟𝑖𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑔𝑎𝑚𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑎𝑎𝑟𝑖 𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑘𝑖𝑡𝑎𝑖𝑛.
Sa Bayan ng Bauan, Walang Maiiwan.
“𝑺𝒆𝒓𝒗𝒆 𝑴𝒐𝒓𝒆 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝑰𝒏𝒕𝒆𝒈𝒓𝒊𝒕𝒚, 𝑳𝒆𝒂𝒅 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝑬𝒎𝒑𝒂𝒕𝒉𝒚”


















