PCSO CSR – “Distribution of ChariTimba

1,000 piraso ng “ChariTimba” food packs ang ibinahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga senior citizen ng bayan ng Bauan bilang bahagi ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR) at educational grant program noong Disyembre 5, 2025 sa Mini Coliseum, Pob. IV.

Personal na dumalo rito sina PCSO Chairperson Ret. Judge Felix P. Reyes kasama sina Janet De Leon Mercado at Imelda Papin na pawang mga miyembro ng Board of Directors. Mainit silang sinalubong nina Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor at former Mayor RYANH M. DOLOR kasama ang mga Bauangueñong makakatanggap ng ChariTimba.

“This is our way of supporting families, ensuring na walang maiiwan sa bayan ng Bauan lalo na sa panahon ng pangangailangan. To our beneficiaries: 1,000 senior citizens at 20 scholars, may these blessings inspire you to strive harder and dream bigger. Tandaan ninyo na sa bawat pagpupuyat, ang inyong pamahaalan ay kaagapay ninyo sa pag-abot ng inyong mga pangarap. Narito po ang bayan ng Bauan ka-partner natin ang national government katulad ng PCSO,” pinagmamalaking winika ni mayor Wendah.

Ang bawat ChariTimba ay naglalaman ng mga bigas, de-latang corned beef at chicken loaf, kape, noodles, instant arroz caldo at champorado. Nakatanggap din naman ng sertipiko ang 20 mag-aaral na iskolar na nagpakitang gilas at kahusayan sa larangang akademiko.

Sa pamamagitan ng pagkilala sa mga iskolar at ang pagbibigay ng timba na puno ng pag-asa, hangad ng pamahalaang lokal ng Bauan at PCSO ang serbisyong may malasakit at makabuluhan para sa pangangailangan ng mamamayan gayundin ang direktang pag-aabot ng tulong sa komunidad.

“𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞 𝐌𝐨𝐫𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐢𝐭𝐲, 𝐋𝐞𝐚𝐝 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐄𝐦𝐩𝐚𝐭𝐡𝐲”

You may also like...