“Panalo ang Bauangueñong Bakunado Raffle Promoâ€Â
Upang mahikayat ang mga mamamayan na magpabakuna laban sa Covid 19 napagpasyahan ng pamahalaang bayan na magpa-raffle sa mga taong magpapabakuna ng 1st dose noong nagdaang National Vaccination Days mula November 29 hanggang December 1.
Tinatayang Labing-Anim na Libo katao ang target ng lokal na pamahalaan para sa tatlong araw na pagbabakuna na kinabibilangan ng pediatric groups o kabataang may edad 12 hanggang 17 at adult populations na 18 anyos pataas.
Nagtalaga ng apat na vaccination sites sa Bauan. Ang mga ito ay ang Bauan General Hospital, Bauan Doctors General Hospital, Bauan Technical High School at Aplaya Covered Court. Nagkaroon din bakunahan sa ilang barangay na kinabibilangan ng Bolo, Gulibay, San Miguel at Sta. Maria.
Ayon sa report ng MHO, nagtala ang Bauan ng mahigit 8,900 na nagpabakuna sa 3 araw na NVD. Limang Daan Siyamnapu at Isa (591) sa kanila ay nanalo ng iba’t ibang papremyo sa ginanap na raffle promo noong December 13.
Makikita ang list of raffle winners at prizes sa post ng Bauan MIO Page.