Pamaskong Handog 2024

Masayang Paskuhan, Sumapit na naman sa Bauan

“Marami pong salamat Mayor Ryanh at sa inyong mga kasamahan, hindi po ninyo kami nakakalimutan lalo na pag panahon ng Kapaskuhan”, mga katagang sinasambit ng ating mga kababayan matapos matanggap ang kanilang Pamaskong Handog mula sa ating LGU.

Sa direktiba ni Mayor RYANH M. DOLOR at pagsang-ayon ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Ronald Evangelista Cruzat ang taunang pamimigay ng Pamaskong Handog ay muling umarangkada noong ika-14 ng Disyembre, 2024.

Ang nasabing programa na ngayon ay nasa ikaapat ng taon ay nag-ugat noong panahon ng pandemya kung saan dumagsa ang ayuda na ipinamimigay sa ating bayan. Sa kabutihang loob ng pamunuan ng ating lokal na pamahalaan nagpatuloy ang ngayon ay ‘Yearly Christmas-gift Tradition’ na inihahandog para sa mga mamamayan ng Bauan.

Bawat bahayan sa 40 barangay ay makakatanggap ng Noche Buena Package na kinabibilangan ng Purefoods Fiesta ham, corned beef, Spaghetti pack at 5-kilo Dinurado rice.

Nagsimula ang unang araw ng distribution sa mga coastal barangays na San Andres I, San Andres Proper, New Danglayan, Sto. Domingo at Aplaya. Samantala ang Poblacion I, II, III, IV at Manghinao Proper ay nakabilang sa ikalawang batch. Kabilang naman sa ikatatlong araw ng pamimigay ang mga barangay ng San Teodoro, Cupang, As-is, Balayong, Manghinao I, Rizal at Inicbulan. Patuloy ang gagawing distribution sa lahat ng barangay araw araw hanggang Disyembre 19, 2024.

Kabilang sa naglaan ng kanilang mahalagang oras ang mga SB Members na sina Kgg. Hero Dolor, Kgg. Neil Valdez, Kgg. Romel Basilan, Kgg. Guenn Abante, Kgg. Michael Endaya, Kgg. Josephine Gimeno,Kgg. Leon Ramos Jr. at Kgg. Jade Aguilera. Gayundin para sa pakikipagkaisa sa nasabing gawain, kasamang umiikot sa mga barangay ang Chairperson ng Municipal Women’s Coordinating Council (MWCC) na si Mayora Wendah Dolor, dating Cong. Congressman Raneo E. Abu, Dra. Reina Dolor Abu-Reyes, Gng. Jently Rivera ang maybahay ni Bokal Wilson Rivera, Jelly Adel at Kuya Jem Garcia.

#MasayaAngPaskoSaBauan

#WeAreOneInBauan

You may also like...