Pamaskong Handog 2024

Muli ay umarangkada ang grupo nina Mayor RYANH M. DOLOR, Vice Mayor Ronald Evangelista Cruzat at SB Members para sa ikaapat na araw ng Pamaskong Handog Distribution kahapon, ika-17 ng Disyembre 2024. Hindi nagpatinag at lumakad din upang makiisa sina Mayora Wendah Dolor, kasama sina Bokal Wilson Rivera at kanyang maybahay Jently Rivera, at Dra. Reina Dolor Abu-Reyes. Mula naman sa bulubunduking mga barangay ng Magalang-galang, Orense, Bagong Silang, Colvo, Sampaguita, San Agustin, Baguilawa at Durungao ang tumanggap ng kanilang Noche Buena package.

Nagsimula ang yearly Christmas-gift tradition na ito noong 2020 sa kasagsagan ng pandemya. Mga panahon kung saan madami sa ating mga kababayan ang naapektuhan ang kabuhayan kung kaya gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang ang bawat pamilya ay matulungan. Sa ikaapat na taon ng Pamaskong Handog ay nadagdagan ang ipinamimigay na Purefoods Fiesta Ham at Spaghetti package may kasama ng 5-kilo Dinurado rice at Purefoods corned beef para sa bawat bahayan sa lahat ng 40 barangay.

Tunay nga naman na mapalad ang Bayan ng Bauan sapagkat mayroon silang mga lider na walang inisip kundi ang kapakanan at kagalingan ng lahat ng mamamayan.

Marami pong salamat at nawa ay patuloy kayong patnubayan ng Poong Maykapal.

You may also like...