Pamaskong Handog 2022
Pamaskong Handog sa Bawat Tahanang Bauangueño 2022
Sa direktiba ni Mayor Ryanh Dolor kasama ang Sangguniang Bayan muli na namang umarangkada ang grupo sa pamimigay ng “Pamaskong Handog mula sa LGU Bauan†para sa ating mga kababayan.
Nagsimula ang distribusyon kahapon, Dec 10, sa anim (6) na barangay na kinabibilangan ng San Pedro, Sta. Maria, San Miguel, Gulibay, Bolo at San Roque.
Paalala lamang po na ang lahat ng barangay ay may takdang araw para sa kanilang pagtanggap. Magkakaroon po ng announcement ng schedule ng distribution mula sa pamunuan ng kada barangay.
Maraming salamat po. Maligayang Pasko sa ating lahat.
#WeAreOneInBauan